Wednesday, November 09, 2005

Coming soon...



walang magawa ang inyong lingkod......
kaya nangulit lamang.

_____________________________________________

sakit ng katawan ko... tas puyat.. 7 days kase kami walang pasok sa office (ewan, kase tapos na ang rammadan eh...) kaya imbis na tumambay at manuod ng DVD maghapon, tinawagan aku ng kaibigan ni ermats. Mag part time daw aku sa "sherraton hotel".. Kaya takbu kagad ang inyong bida. Mejo mahirap nga lang ang trabaho, may mideast medical seminar kase. Kaya nagset-up kami ng mga upuan, tables at sound system, Sayang din kase 100 riyals per day din yun( 1,400 peso). Kaso kahapon nasobrahan ata aku sa pagod, nagpa-double shift ba naman ako.. kala ko madali lang... Nag-umpisa aku ng 11 ng tanghali hanggang 8 ng gabi tas nag-in ulit ako ng 8 to 4 ng madaling araw. Ayus!! solve ang katawan ko sa pagud at puyat! pag-uwe ku tinawag agad aku ng kama.. sabi ni nanay, pagod ka no?? ganyan talaga... kung gusto mong kumayod at makaipon, dumiskarte ka ng part time.. honga eh, kayod lang talaga.. tas ipon.

bukas ulet...

tas nextweek...

pagod at hapo....

pero may future...
_______________________________________________

pauwi aku galing ng trabaho...
naamoy ku yung bagong tabas na bermuda sa may corniche...
tas narinig ku yung mga kuliglig..
namiss ku bigla ang pinas...
how sad naman...

kwadernong tatsulok at 8:32 PM

4comments

4 Comments

at 1:28 AM Blogger racky said...

oy, may bintana na!

kailan ba showing n'yan? attend ako ng premiere night baka sakaling matisod ko si Bruce. :D:D:D

nakakahawa naman sakit mo, lalo magpapasko...ibalik nyo ko sa Pinaaaasssss!!!

ganyan nga, kung walang tiyaga, walang nilaga! huwag mong hintaying malaglag ang bayabas, si batman ka di si Juan. tingan mo may mansanas ka na dito. ciao

 
at 6:03 AM Blogger J said...

sabi ko na nga ba eh rivermaya eh wow!

galeng ng pelikula mo ha...eyyyy di bale isasali kita sa prayers ko na sana biyayaan ka pa lalo ng madaming madaming pera alam na alam mo naman sigurado na gastuhin ano?kaya lang tiyaga ka muna dyan o mag-ipon alam na alam mo kasi na may future sa pader akala ko kung ano na yong "may future sa pader"na tittle mo eto pala ibig sabihin nun...naintindihan ko na....sige God bless di kita wini wish na good luck kasi si God pag nagbigay ng blessings sulit.

 
at 6:26 AM Blogger melai said...

pahinging shawarma pwed?>

 
at 6:55 PM Blogger proxima centauri said...

Hapi nu yir den sa iyo, kung may magic wand lang ako papayamanin na kita ng husto para di mo na kelngang lumayo pa sa mga mahal mo sa buhay.

sa pinas ka na lang at..

 

Post a Comment

<