Wednesday, October 19, 2005
tuloy ang laban sa kalye..
Kung pagiging "pasista" lamang ang paguusapan eh walang wala itong si ferdinand marcos dito kay Ginang gloria macapagal arroyo. Dahil si makoy kahit isang beses ay hindi nanakit o nambasa man lang ng mga obispo. Nagulat kase aku sa nakita ku sa dyaryo eh, isang eksena na hindi ku akalaing mangyayari. Sinasabi ng pulis na kaya raw nila binomba ng water cannon ang mga sumama sa prayer rally ay dahil meron daw mga militanteng nakasama sa mga nagdarasal na obispo. Nakapagtataka lamang na parang sa litratu eh tatlong obispo, isang teofisto guingona, isang jamby madrigal at ilan pang kilalang lider ng lipunan ang mga binasa ng mga pulis at bumbero. Naalala ku tuloy yung isang article na nabasa ku tungkol sa martial law kung saan nagkaroon din ng pambobomaba ng tubig ng mga pulis ni marcos kina guingona, lorenzo tanada at don chino roces. Tas dun na nagsimulang kumilos yung mga tau. Ngayun kaya ganun din ang ending ng kwento? Basta ang alam ku yang CPR na yan ay labag sa karapatan ng tao at sa konstitusyon, kung matatakut ang tao.. pano na?kwadernong tatsulok at 12:50 AM
Ako po si Errol
blogging live mula sa mainit at
mahumid na bansa ng qatar
aku pu ay naging gitarista
manunulat
at jay walker
husband
homesick
sabik sa adobo
at pangarap
magkaroon ng
maraming pera..