Wednesday, October 05, 2005

"may tubig naman po sa gabi"

Halos apat na buwan na ako dito sa Qatar.. Pero tandang tanda ko pa ang problemang iniwan ko nuon sa pilipinas. "ang tubig" isa sa pangunahing pangangailangan ng tao, pero naipagkakait sa pilipino. Tumawag ako dati sa opisina ng maynilad para sabihin ang problema, ang sagot sa akin "mahina ang pressure". Itinanong ko kung anong solusyon sa problema ang maaari kong asahan sa kanila. pero walang isinagot sa akin ang kausap ko kundi sa tip na... "may tubig naman po sa gabi.. pwedeng magipon.." Reklamo nga ng isang kapitbahay namen. La naman sila alam gawen kundi ang magpaganda ng disenyo ng resibo chaka magtaas ng singil, naknamputa..
Nagchachaga na lamang kaming magkakapit bahay sa pag-igib sa kapwa kapit bahay na merong deepwell. Nakakaines lang, napapalaki yung gastos ng bwat pamilya. Isipin mo na lang na trenta pesos ang isang oras na igib. Nagkaroon nga kami ng degripong tubig nung 1995, pero sa loob lamang ng isang dekada balik timba at konteyner na.
Ang ganitong kwento ay hindi isang reklamo sa hirap ng pagiiigib, kundi katanungan tungkol sa pangunahing serbisyo na hindi na yata natitikman ng ng maraming pilipino. Naniniwala akong may tinatawag na low pressure area o lugar na talagang hirap sa tubig, pero kung araw araw na lang low pressure, at low pressure area na ang buong bansa, hindi kaya oras nang diligan ang tuyong sistema?



kwadernong tatsulok at 3:09 AM

0comments

0 Comments

Post a Comment

<