Wednesday, October 05, 2005

Marami akong sana...

marami akong sana
sana ang tula ay pwedeng sakyan.
ipamasahe papuntang japan.
pwedeng gawing unanng mga batang lansangan.
sana pwede itong ipambayad ng matrikula.

sana pwede itong isuot,
isaing,
ikwintas,
inumin,
ulamin,
isapaw sa sinaing.

sana tanggapin itong pang-entrancesa mayrics.
ipambili ng kape sa starbucks.
ipang dreadlocks,
ipang load sa cellphone.
ipang 3 ft long stuff crust pizza.
ipang enchanted kingdom,
ipakain sa arowana,
ibili ng video cam,
ng flat tv,
ng pc,
ng chuck taylor,
ng electric guitar,
ng discman.

sana ang tula ay pwedeng ipantubos sa naisanlang kuwintas.
ipandeposito sa ospital para sa asawangna-ceasarian.

at sana din ang tula ay pwedeng magpayaman.
pwedeng ikabit sa aking pangalan.
sana lang....
para di ko naman isipingisa akong kabiguan.

kathang isip ni
proxima centauri....

kwadernong tatsulok at 2:59 AM

2comments

2 Comments

at 5:14 AM Blogger lokokid said...

I just wanna honestly say that mostly pages here are crap but you have something i like Good content I have a site to Pretty cool have a look if you got some time Make millions of dollar

 
at 5:14 AM Blogger bloggirl1272 said...

This site is great, nice job!!

I have a Adult Sex Toys info site. It is about Adult Sex Toys articles and stuff.

Drop by when you can, nice site here!

 

Post a Comment

<