Wednesday, October 05, 2005

Galit na naman si nanay,
Kasi nagising si tatay,
Dahil ng binuksan ko ang radyo,
Hindi sila nakasabay..

Ang hilig mo sa maiingay,
Ang hilig mo sa magulo,
Tamang hinala na naman sila,
Adik na ba ang anak ko..

Ilang ulit mang sabihin,
Napakahirap ipaintindi,
Na ang tunong adik para sa inyo,
Ay musika sa mga tenga ko..
Alam ko ang gusto mong ipabatid,
Nais ipasok sa utak kong makitid,
Itigil na ang katarantaduhan ko,
Nakakahiya ang inaasal mo..
Ano bang gusto mong mangyari?
Sa tingin mo ba, ako’y nagkamali?
Kaya nga naimbento ang salitang kalayaan,
Para ang mundo’y magkaroon ng kaligayahan..
Wag sanang husgahan ng maaga,
Ang nais nyo’y wag sa amin idikta,
Kapag maingay ba ang tugtugan,

Kami ba’y ADIK na talaga..?

kwadernong tatsulok at 2:37 AM

0comments

0 Comments

Post a Comment

<