Sunday, October 16, 2005

Ambulansya

hindi na tayo gagalaw
hindi na tayo aabante
ano kaya ang dahilan?
construction ba o merong nagsalpukan?

buti na lang may parating
ayan naririnig ko na sa hangin
sirenang sasagip satin
tabi tabi po...

ambulansya
ambulansya

‘sang binatilyo ang sakay
akap ng nobya ngunit walang malay
mahal niya ang magulang niya
nais niya lamang sanang lumipad
ortigas, sucat at libis
sino ang hari ng bilis?
malayo pa ang ospital
sino ang hari ?
sino ang hari?

ambulansya
ambulansya

hala, sige! tutukan mo!
pinasingit mo ta's hinarangan mo
kunwari'y kasama ka
kunwari'y sasama ka!
sa wakas tayo'y lumaya rin
sa wakas tayo'y tumutulin

ambulansya
ambulansya

kasasabi mo palang na ang galing mo talaga
biglang kumabig ang ambulansya
hesusmaryosep sa gitna ng kalsada
eighteen wheeler ang nakabalandra
tapak ng preno tapakan mo
di kakayanin
sabi mo
pikit lang tayo

pikit

lang

tayo

parang wala kong nadama
parang wala kong narinig
halik ng bubog sa pisngi
tuhog ng bakal sa bungo

hindi na tayo gagalaw
hindi na tayo gagalaw…



(sa tuwing naririnig ku ang kantang itu.. parang nababalut aku ng takut)

kwadernong tatsulok at 6:40 AM

2comments

2 Comments

at 1:42 PM Blogger J said...

eyyy ang ganda ganda nito ahhh pa sent naman ng mp3..nito paki sent sa simple.whitelady@gmail.com gusto ko yung pagkaka awit thank's :) galeng ng new look ng bahay mo ngayon maslalong pogi(pingi piso)

 
at 12:32 AM Blogger racky said...

bago na naman ang bahay ni batman!sipag natin ah.

 

Post a Comment

<