Saturday, October 29, 2005

Nasa emergency room pa den si cake...
mataas ang lagnat..
sabi sakin sa text baka paanakin na..

worried aku..

sana nandyan aku,
hahawakan ku ang kamay mu.

worried aku sa inyu ni baby..

mahal kita..
_________________

almost one year na pala

mula nung pinanganak at pumanaw ang panganay kong anak...

advance happy bday krinasia caitlin..


pray mu kay god...

wag nyang pabayaan ang mommy at ang little sister mu.

_________________

dasal....

yan lang panlaban ku...

kwadernong tatsulok at 10:27 AM

3comments

Friday, October 28, 2005



I've been longing to buy another digital camera.
I fall in love to this Sony DSC-F828 Cyber-shot...

Kaso madami talagang bagay na mahal kapag wala kang pera..


tsk.. tsk... di bale.. next tym!

kwadernong tatsulok at 8:35 AM

0comments

Wednesday, October 26, 2005

Halina sa UPLB...

kwadernong tatsulok at 2:05 AM

0comments


"Hayaan mo anak... paglaki mo magiging presidente ka.
kaya wag ka ng umiyak.."

kwadernong tatsulok at 2:02 AM

0comments

pakigising na lang ako...

Nasan ako?

bakit ako nandito?

ang layu layo ko sayo..

Let the four winds blow
Three thousand miles over the ocean
Three thousand light years from the land of the rising sun
Love has opened my eyes
Love has blown right through
Wherever you are, you are here
Three thousand miles over the ocean
Three thousand light years from the land of surprising sun
East is east and west is west
The twain shall meet
East is west and west is east
Let it be complete
Three thousand miles over the ocean
Three thousand light years from the land of the morning star

pakiramdam ku tuyo na aku..
nakasiksik sa loob ng kahon at baso..

sana bukas na..

ilang bukas pa?

kwadernong tatsulok at 12:13 AM

0comments

Monday, October 24, 2005

Ang despedida...




hmmmmn.... almost 5 months na nung despedida ku. At dahil puno ng maletang pang impake ang bahay eh sa bahay ng drummer namin ( drummer din ng EROS ) ginanap yung despedida..
(via txt message)

Errol: taena men, alis na aku next day.. inum tayu men!!
Kris: Sige, wat tym kau punta?
Errol: mga 8 chong dyan na kame..

takbu kami ni misis sa tindahan para umiskor ng alak... (james bond theme song..)

at yun na ang sumunod na eksena.. Nagaayus ng lamesa at naglulutu ng pulutan.
Kris: sinu sinu ba pupunta??
Errol: kahit sino, di naman aku nangibita eh...
Gerald: umuwi daw ngayun si manong jay contreras ( of kamikazee ) ditu sa valenzuela... txt mu.
(via txt message)

Errol: manong jay, padespedida ku ngayun... daan ka..
Jay: wat tym?
Errol: mga 10 ok na to... Sunduin kita, ditu kame sa predel (lugar sa valenzuela)...
Jay: ditu aku prodon sa bahay ng tropa ku.. may dala akung motor, txt n lang kita.
Errol: Sige..

tas nagdatingnan na yung ibang bisita... inuman at konting tugtugan... la pa man ay nalungkut na agad aku!! syet!!

Gerald: Sunduin mu na si manong jay..
Errol: ok..

sa prodon...

Errol: manong jay tara...
Jay: teka lang.. pasuk ka muna..
Errol: ayus inuman nyu ah, may rottweiler pa...

tas yun na sumunod na eksena.. balik kila kris at inuman na...
bawas na yung mga bisita.. konti na lang kame...
tamang tawa lahat..
makulet na eh...
tas tamang "DARNA" pa tugtog ni manong jay...
tas tamang kwentuhan...

laseng na lahat...

Jay: mga chong una na aku, pinapupunta pa aku mayrics eh...
Errol: ayus... wehehehehe (laseng na!)

tas ayun, maya maya pa tapos na ang inuman.. umaga na eh..
sa daan paguwe nagsimula na akung malungkot.
madaming bagay at kasiyahan akung maiiwan..

salamat sa mga pumunta...
pinasaya nyo yung last day ku sa pinas...

kwadernong tatsulok at 8:48 AM

1comments

Wednesday, October 19, 2005


eto ang aking huling hiling...

huling araw ko sa mundo ikaw ang kapiling...

"ikaw" ang aking huling hiling.....

dala ang yong alaala sa aking paghimbing...

kwadernong tatsulok at 1:56 AM

0comments

tuloy ang laban sa kalye..

Kung pagiging "pasista" lamang ang paguusapan eh walang wala itong si ferdinand marcos dito kay Ginang gloria macapagal arroyo. Dahil si makoy kahit isang beses ay hindi nanakit o nambasa man lang ng mga obispo. Nagulat kase aku sa nakita ku sa dyaryo eh, isang eksena na hindi ku akalaing mangyayari. Sinasabi ng pulis na kaya raw nila binomba ng water cannon ang mga sumama sa prayer rally ay dahil meron daw mga militanteng nakasama sa mga nagdarasal na obispo. Nakapagtataka lamang na parang sa litratu eh tatlong obispo, isang teofisto guingona, isang jamby madrigal at ilan pang kilalang lider ng lipunan ang mga binasa ng mga pulis at bumbero. Naalala ku tuloy yung isang article na nabasa ku tungkol sa martial law kung saan nagkaroon din ng pambobomaba ng tubig ng mga pulis ni marcos kina guingona, lorenzo tanada at don chino roces. Tas dun na nagsimulang kumilos yung mga tau. Ngayun kaya ganun din ang ending ng kwento? Basta ang alam ku yang CPR na yan ay labag sa karapatan ng tao at sa konstitusyon, kung matatakut ang tao.. pano na?

kwadernong tatsulok at 12:50 AM

0comments

Sunday, October 16, 2005

Ambulansya

hindi na tayo gagalaw
hindi na tayo aabante
ano kaya ang dahilan?
construction ba o merong nagsalpukan?

buti na lang may parating
ayan naririnig ko na sa hangin
sirenang sasagip satin
tabi tabi po...

ambulansya
ambulansya

‘sang binatilyo ang sakay
akap ng nobya ngunit walang malay
mahal niya ang magulang niya
nais niya lamang sanang lumipad
ortigas, sucat at libis
sino ang hari ng bilis?
malayo pa ang ospital
sino ang hari ?
sino ang hari?

ambulansya
ambulansya

hala, sige! tutukan mo!
pinasingit mo ta's hinarangan mo
kunwari'y kasama ka
kunwari'y sasama ka!
sa wakas tayo'y lumaya rin
sa wakas tayo'y tumutulin

ambulansya
ambulansya

kasasabi mo palang na ang galing mo talaga
biglang kumabig ang ambulansya
hesusmaryosep sa gitna ng kalsada
eighteen wheeler ang nakabalandra
tapak ng preno tapakan mo
di kakayanin
sabi mo
pikit lang tayo

pikit

lang

tayo

parang wala kong nadama
parang wala kong narinig
halik ng bubog sa pisngi
tuhog ng bakal sa bungo

hindi na tayo gagalaw
hindi na tayo gagalaw…



(sa tuwing naririnig ku ang kantang itu.. parang nababalut aku ng takut)

kwadernong tatsulok at 6:40 AM

2comments

Na TAG! aku galing ulit kay neneng..

Mayroon ka bang paboritong kanta?
Do you have a favorite song
(ang tutuo ay sinubukan kong gumawa ng soundtracks ng buhay ku.. Etu ang top 7)

1. Alapaap (eraserheads) - tagal na tung kantang tu, pero sa tuwing naririnig ku to eh parang sumasabay ang takbu ng buhay sa kanta. ewan ku ba.. whew!!
2. I dont wanna wait in vain (Bob Marley) - nakakarelax kase mga kanta ni pareng bob and the wailers eh..
3. Elesi (rivermaya) - tungkul kase tu sa pagkakaibigan at takbo ng pagkakaibigan.
4. Kanlungan (Buklod) - ewan, pero sa tuwing naririnig ku tung kantang tu, naaalala ku yung mga mahal ku sa buhay. Parang ipinapaalala na hindi habang panahon tayung magkakasama...
5. With a smile (eraserheads) - sobrang nakarelate aku dito sa sobrang daming pinagdaanan naming problema ni cake, sa bandang huli ay matutulog kami ng nakangiti sa isa't isa..
6. Esem (yano) - dumating sa buhay ku yung panahon na patingin tingin at di makapanood ng sine.. Patuloy ang laboy.... kailangang magsaya.... kelangang magpahangin..
7. Overdrive (eraserheads) - ang buhay kase naten, isang malaking kotse... habang buhay nating imamaneho patungo sa gusto nating landas...


di ku na den ipapasa tung tag na tu....

kwadernong tatsulok at 12:07 AM

2comments

Thursday, October 13, 2005

Let's "VOLT-IN!!"

O sya... sya... aaminin ku na, naabutan ku yung voltes V nung nasa channel 13 pa itu. Dyan ku uumpisahan ang post na tu...

"oo... alam ku, ang ilan sa babasa netu ay narinig lamang ang voltes v anim na taon ang nakalilipas sa GMA 7. Pero aku, syaks!! Sabihin na natin napanood ku to nung panahun pa ng astro boy sa channel 9, bioman, shaider, ultraman ( yung unang una), magma man, transformer (with the real optimus prime), carebears, he-man, mazinger Z, daimos at kung anu anu pa. Matagal na nga yun, siguro late 80's pa yun. Pero hindi ang katandaan ku ang nais kong ikwento.
Kase nito lang.. siguro dalawang araw ata ang nakakalipas, napanaginipan ku ang "Voltes V". Isa daw aku sa kanilang lima. Di ku matandaan kung sino sa kanila eh (excuse me!! hindi si big bert). ang nangyari ay ganito, nagvolt in na daw kame, tas biglang nadiskaril yung gear ng sasakyan ku. Tas hindi daw natuloy yung volt in, at tuluyang nagtagumpay si "prince zardoz". Ang wirdo nga eh, di ku naman namimiss si voltes V, ba't ku kaya sya napanaginipan? Siguro dahil kay tagal akung binitin ni voltes V ng kanyang ending. Channel 7 na nung napanood ku yung tunay na nangyari sa huli eh. Badtrip nga! Bigla ku tuloy naisep na nabanggit pala sakin ng erpats ku one time na panahon pa pala ng martial law ang voltes V ( o ha?? may natutunan ka na naman!!) ipinaalis daw etu ni "Marcos" dahil ang kwentu ay tungkol sa paglaban sa mapang abusong liderato ng "Bosania". Naisip ku tuloy na naging isang malaking voltes V pala ang "pilipinas" nung panahon ng EDSA revolution at nag "VOLT IN" ang sambayanan nung panahun na yun. Ayus... Nung una kase "voltes bazooka" lang ang gamit ng sambayanan, tas nag "electro magnetic top" sa maliliit na rally. tas one time etu na dumating yung "laser sword"... TAGISH!! tagumpay ang sambayanan, tagumpay ang camp big falcon ng pilipinas.

pero may tanung pa sa utak ku.... kung nuon ay pinagbawal ni marcos ang voltes V??

ipagbawal kaya ni gloria macapagal arroyo ang pokemon??

kwadernong tatsulok at 11:11 AM

2comments

Tuesday, October 11, 2005

wala na ang init sa hangin ng qatar..
Ramdam ku na yung ginaw.
Mas lalu tuloy akung nalungkot.
Mis ku na si keyk.
Salamat at nandyan sya, kung wala...
sang putikan kaya aku pupulutin??

kwadernong tatsulok at 6:44 AM

1comments

" Bakit kami?? tahimik kaming naghahanap buhay dito, namuhunan kami sa mga paninda namin, bakit nila kami pinakikialaman? Hindi naman kami kriminal! Bakit hindi yung mga magnanakaw ang pakialaman nila? Andami-daming holdaper dyan, bakit hindi sila ang hulihin? Bakit kami??" yan ang karaniwang reklamo ng mga illegal vendors tuwing may raid sa kanilang lugar. Bakit kami?? Siguro sa mga salitang yan, payapang nagkukubli ang pagasa ng pilipinas.

-Bakit kami, at hindi ang magnanakaw? tanong ng mga nagbebenta ng aliw
-Bakit kami at hinde ang mga higanteng magnanakaw sa gobyerno? tanong ng mga small time crook
-Bakit kami? mga opisyal kami ng gobyerno?!? tanung ng mga nagmamalinis na pulitiko

Sa kadulu-duluhan, walang pumapayag na maging "sila". Tutal pare-pareho naman tayu..
basta't walang pakialamanan. "Walang kailangang maging kami"...

kwadernong tatsulok at 6:13 AM

0comments

Sa araw araw na pagbili ko ng dyaryo nung nakaraang linggo, wala akung ibang nakitang litratu kundi ang mga biktima ng pambubugbog ng mga pulis sa mga rally-ista. Tila araw araw yata tumitindi ang karahasan ng pamahalaan. Etu yata yung tinatawag nilang Calibrated Preemtive Response (CPR). Naniniwala kaya ang mga may kapangyarihan na matitigil ang rally dahit dito? Hindi naman nila basta basta na lang mabubusalan ang mamamayan eh, nabalitaan ku den na ipinagbawal na pala ang rally sa Ayala avenue sa makati kahit may permit pang dala ang mga rally-ista galing sa mayor ng lungsod. "istorbo daw sa pagtakbo ng negosyo, gulo sa trapiko at maraming nasasayang na oras". Sabi ng ibang rally-ista labag daw ito sa saligang batas. eh bakit nga naman igagalang ni GMA ang saligang batas kung ang resulta ay masisipa sya?? Naaalala ku pa nung minsan napasama aku sa isang Mob sa mendiola, sa harap ng rebulto ni "Don Chino Roces". Tyak na kung malalaman ng matandang rebulto ang bagong batas na ito... "parang nakikita ku na, umiiling iling sya..."

picture courtesy of: http://www.cocoycrunch.blogspot.com

kwadernong tatsulok at 5:36 AM

1comments

Assignment daw...

Si neneng binigyan aku ng assignment.. Galing kay "sir kadyo"

"Three things you dont know about me:"

Una: uu na inaamin ku, para sa ikakatahimik ng kaluluwa ng lahat. takut aku sa palaka.. Ewan ku ba, di ku alam kung bakit. Sabi ku nga nuon iharap mu na aku sa iba't ibang klaseng paranormals eh mas pipiliin ku pa yun kesa magdisect ng palaka. Naaalala ku pa nung hayskul, nagkaroon kami ng project sa pagkatay ng palaka. Mas pinili ko pang magkaroon ng "special exams". Di naman sa nandidiri aku, pero ewan ku ba. lalu na yung palakang "dikit" at palakang "burlog" ( o mas kilalang palakang "masbate".)

Pangalawa: Gaya ni neneng ay isa din akong "superhero". Aku si Batman, atin atin na lang. Aku po ang cape crusader na tagapagtanggol ng "guthom city".. Pero naiba ang buhay ku sa komiks, sa tutuong buhay kase ay tricycle lamang ang aking batmobile. At ang aking "robin" (the boy wonder) ay isang tindero ng pandesal na binabayaran ko ng trenta pesos kaga isang kriminal na mahuhuli. (pero kung senador o kurakot na opisyal ang kanyang mahuhuli ay dinadagdagan ko ng limampiso)

Pangatlo: Nung bata pa aku, pangarap kong magkaroon ng disenteng trabaho. Yung tipong naka-puting longsleeves at may ribbon sa leeg. Pero hindi nangyari yun. Kung makikita aku ngayun ng batang "Errol" tyak sasabihin nya sa akin.. "BAKIT HINDI KA NAGING WAITER??"


"o pano ayus na ba to? sabi nila tradisyon daw to. kung ganun eh, gumawa ka din sa blog mu.. may nakalaan yatang premyo para sa may pinakamandang sikreto.."

kwadernong tatsulok at 4:25 AM

1comments

Monday, October 10, 2005



"At sa bundok ng basurahan ng subic ay pinulot ng isang kano at pinuhunanan ng
30 dollars ang isang kotseng rambler at ibinenta sa isang pinoy sa presyong
dalawang libong piso at tuwang tuwa ang bobong pinoy."

-Lualhati Bautista, Gapo

kwadernong tatsulok at 5:19 AM

0comments

Saturday, October 08, 2005

Anu nga ba ang buhay sa pinas... Sige etu, susubukan ku magbigay ng takbo ng buhay sa pilipinas, sabihin mu sakin kung anu sa palagay mu??

- may mga nang aagaw ng cellphone
- may namimirata ng cd
- may nagtutulak ng droga
- may mga nagnanakaw ng poste, manhole at mga bakal ng tulay
- nagkalat ang mga bata sa kalye
- ang mapapangarap na batang kalye ay nandudukot ng pitaka
- ang mga tamad ay sumisinghot ng solvent at rugby
- walang toilet paper ang mga pampublikong palikuran
- napakaraming presidente
- ang pangangampanya ay naguumpisa tatlong taon bago ang halalan
- ang mga artista ay politiko at ang mga politiko ay sirkero at magician
- ang mga muhon ay ginigiba
- ang kagubatan ay kinakalbo
- ang mga probinsya ay walang ospital
- ang mga ospital ay walang bulak
- ang mga bata ay walang eskelahan
- ang mga eskwelahan ay walang upuan
- ang mga sundalo ay walang baril
- ang mga tao ay walang trabaho
- karamihan sa mga ito ay walang pakialam
- ang mga politiko ay walang utak
- at yung mga may utak... ay walang "PUSO!"



"what concerns everyone can only be resolved by everyone"
-friedrich Durren-Matt

kwadernong tatsulok at 5:08 PM

5comments

"supersize me!!"


Bagama't parang tunay. ito'y isang larawan lamang na pinilas mula sa isang brochure at aking kinuhanan, ito ang kinalabasan. "paparap pa pap..." "Rock ko toh!!" \m/

kwadernong tatsulok at 3:48 AM

1comments

Nakita ku toh sa blog ni stum eh.. naisip kong gumawa, yung tipo bang survey.

Pitong bagay na kinatatakutan ku:

- palaka
- kumunoy
- deadlines
- ahas
- takut ako sa mumu
- crocodile
- balon ( pesteng sadako yan )

Pitong bagay na gustong gusto ku:

- umuwi ng pilipinas
- concerts
- t shirts
- kare kare
- sound trip
- sinigang
- si Cake

Pitong mahahalagang bagay sa kwarto ku:

- digicam
- gitara
- litrato
- magazine
- mga sulat ni cake
- mga cd ko
- telebisyon, playstation at DVD.

Pitong ibat-ibang bagay tungkol sa akin:

- asawa aku ni cake
- wala akong pera
- hindi aku ang pumatay kay jose rizal
- pangarap kong maging manunulat
- mahilig akung tumanga paminsan minsan
- ang interes ku sa pagluluto ay kagaya lamang ng interes ku sa langaw
- wala akung kahit anung sasakyan na ginagamitan ng gasolina

Pitong bagay na gusto kong magawa bago ako mamatay:

- makita si ozzy osbourne
- maka punta at uminom ng diet pepsi sa buwan
- makatugtog sa harap ng mga nagiislamang tao
- makasama sa tour bus ni marilyn manson
- maka akyat sa mt. everest
- makajamming si ely buendia
- mapabilang sa kahit anung charity programs

Pitong bagay na kaya kong gawin:

- magdrowing
- maggitara
- humilata
- maglakad kahit may pamasahe
- mahalin si cake habang buhay (NAKS!)
- mag jay walking sa monumento
- magkwento

Pitong bagay na hindi ko kayang gawin:

- mag-rap
- mag sayaw
- mag walis
- gumawa ng walang reklamo
- magbasketball
- magmukmok
- magluto

Pitong bagay na lagi kong sinasabi:

- " ah okey"
- "astig!"
- "talaga men?"
- "huh?"
- "naks!"
- "Ayus!"
- "shet!"

[ ayun lang... posted na tu! ]

kwadernong tatsulok at 1:22 AM

1comments

Wednesday, October 05, 2005

nagsimula na naman akong maglakad ng
walang dereksyon
nakakapagod pero masaya kahit papano
may saysay pa ba ang lahat ng ginagawa ko
baka niloloko ko na lamang ang sarili ko?
kung pagod na ako,
ba't di pa ako tumigil?
may dahilan pa marahil..
tara....

sabi nila hindi mo daw malalaman ang tunay na pagkatao
sa mga nagawa nya o kinilos nya
kundi kung papano sya bumangon
sa kabila ng napakabigat na problemang dinanas nya

pakiramdam ko tuloy insekto ako
lumilipad sa masukal na gubat

kwadernong tatsulok at 3:30 AM

1comments

"may tubig naman po sa gabi"

Halos apat na buwan na ako dito sa Qatar.. Pero tandang tanda ko pa ang problemang iniwan ko nuon sa pilipinas. "ang tubig" isa sa pangunahing pangangailangan ng tao, pero naipagkakait sa pilipino. Tumawag ako dati sa opisina ng maynilad para sabihin ang problema, ang sagot sa akin "mahina ang pressure". Itinanong ko kung anong solusyon sa problema ang maaari kong asahan sa kanila. pero walang isinagot sa akin ang kausap ko kundi sa tip na... "may tubig naman po sa gabi.. pwedeng magipon.." Reklamo nga ng isang kapitbahay namen. La naman sila alam gawen kundi ang magpaganda ng disenyo ng resibo chaka magtaas ng singil, naknamputa..
Nagchachaga na lamang kaming magkakapit bahay sa pag-igib sa kapwa kapit bahay na merong deepwell. Nakakaines lang, napapalaki yung gastos ng bwat pamilya. Isipin mo na lang na trenta pesos ang isang oras na igib. Nagkaroon nga kami ng degripong tubig nung 1995, pero sa loob lamang ng isang dekada balik timba at konteyner na.
Ang ganitong kwento ay hindi isang reklamo sa hirap ng pagiiigib, kundi katanungan tungkol sa pangunahing serbisyo na hindi na yata natitikman ng ng maraming pilipino. Naniniwala akong may tinatawag na low pressure area o lugar na talagang hirap sa tubig, pero kung araw araw na lang low pressure, at low pressure area na ang buong bansa, hindi kaya oras nang diligan ang tuyong sistema?



kwadernong tatsulok at 3:09 AM

0comments

Marami akong sana...

marami akong sana
sana ang tula ay pwedeng sakyan.
ipamasahe papuntang japan.
pwedeng gawing unanng mga batang lansangan.
sana pwede itong ipambayad ng matrikula.

sana pwede itong isuot,
isaing,
ikwintas,
inumin,
ulamin,
isapaw sa sinaing.

sana tanggapin itong pang-entrancesa mayrics.
ipambili ng kape sa starbucks.
ipang dreadlocks,
ipang load sa cellphone.
ipang 3 ft long stuff crust pizza.
ipang enchanted kingdom,
ipakain sa arowana,
ibili ng video cam,
ng flat tv,
ng pc,
ng chuck taylor,
ng electric guitar,
ng discman.

sana ang tula ay pwedeng ipantubos sa naisanlang kuwintas.
ipandeposito sa ospital para sa asawangna-ceasarian.

at sana din ang tula ay pwedeng magpayaman.
pwedeng ikabit sa aking pangalan.
sana lang....
para di ko naman isipingisa akong kabiguan.

kathang isip ni
proxima centauri....

kwadernong tatsulok at 2:59 AM

2comments

Galit na naman si nanay,
Kasi nagising si tatay,
Dahil ng binuksan ko ang radyo,
Hindi sila nakasabay..

Ang hilig mo sa maiingay,
Ang hilig mo sa magulo,
Tamang hinala na naman sila,
Adik na ba ang anak ko..

Ilang ulit mang sabihin,
Napakahirap ipaintindi,
Na ang tunong adik para sa inyo,
Ay musika sa mga tenga ko..
Alam ko ang gusto mong ipabatid,
Nais ipasok sa utak kong makitid,
Itigil na ang katarantaduhan ko,
Nakakahiya ang inaasal mo..
Ano bang gusto mong mangyari?
Sa tingin mo ba, ako’y nagkamali?
Kaya nga naimbento ang salitang kalayaan,
Para ang mundo’y magkaroon ng kaligayahan..
Wag sanang husgahan ng maaga,
Ang nais nyo’y wag sa amin idikta,
Kapag maingay ba ang tugtugan,

Kami ba’y ADIK na talaga..?

kwadernong tatsulok at 2:37 AM

0comments

Starbucks Invasion.

"ill have a one grande ice cofee please!" sabe ng isang konya girl nung nasa pilipinas pa ako.. Dumaan kame ni cake sa starbucks dun sa may SM. Ewan ko lang ha, pero tingin ko sa atin yung starbuck e ginagawa na nilang gimmick place. Para bang status symbol... Nakakatuwa naman, kase habang nakikita mo yung mga tao habang lumalaklak sila ng napakaraming caffeine sa katawan e tuwang tuwa pa. Sabi ko nga sa isa kong konyong kaklase ano bang meron sa starbucks? kung kape rin lang e di dun ka na lang kila aling beth (kainan sa may quiapo) o kaya e umattend ka sa mga lamayan, chak napakadaming kape dun. sabay sagot ng "you dont understand pareeee, starbucks coffee is different. oo nga, talagang different. mahal eh.. tas pagsinabi mo yan sa mga konyong anak ng dyos eh sasagutin ka lang ng.. "duh, starbucks is not just a coffee no.. they are ground beans and processed chocolate and skimmed milk! what do you know about that?" syet talga, tas pag nasa starbucks ka e kailangan bongga ung cellfon mo, sa dami ng mga tambay dun na puro magaganda ang cell. Tangina nagpapaloko lang tayo eh. pero eto pa ang matindi, pagdating ko dito sa qatar nalaman kong hindi lang pala tayo ang nabiktima ng halimaw na kung tawaging ay "starbucks". Pati mga Qatari eh ganun din ang gawain. kabulsyetan talaga.. well, thats life...

" please give me one black coffee please"

kwadernong tatsulok at 2:03 AM

0comments

<