Monday, January 16, 2006

Bawat sandali ng aking buhay
Pagmamahal mo ang aking taglay
San man mapadpad ng hanging
Hindi magbabago aking pagtingin
Pangako natin sa maykapal
Na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay

Ipaglalaban ko ang ating pagibig
Maghintay ka lamang akoy darating
Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli
Makita kang muli

Pusoy nagdurusa, nangungulila
Iniisip ka pag nagiisa
Inaalala mga sandali
Nang tayo ay magkapiling
Ikaw ang gabay sa akin tuwina
Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw
Tanging ikaw

Ipaglalaban ko ang ating pagibig
Maghintay ka lamang akoy darating
Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong pusoLahat ay gagawin
Makita kang muli
Makita kang muli
Makita kang muli...

(ayun... miss ko na talaga si cake. sniff!!)

kwadernong tatsulok at 5:36 AM

5comments

Thursday, December 22, 2005

nakakatuwa nung isang araw..

normal naman ang gising ku nung umagang yun eh

tutuo

tas pumasok aku sa trabaho

etu na.

pagkauwing pagkauwi ku

kinalkal ku yung mga lumang tapes ni nanay, naghahanap kase aku ng chrismas tapes...

"CHRISMAS SONGS OF ALL TIMES", olrayt! may nakita aku...

e di pinress ku na yung play...

sandaling katahimikan...

tas..

"ill be home for christmas"

sniff...

parang may humila saken pababa

sobrang nahomesick

tumulo ang luha

nagmukmok..

miss ku na talaga yung magina ku

sniff (till fade)

kwadernong tatsulok at 9:42 AM

2comments

Sunday, December 04, 2005

masayang masaya aku...
im now a proud father
and a proud husband..

im so proud to have Kavi Lorin Mamaclay as my daughter..

mahal na mahal ku kayu.
konting tiis lang, uuwe na den aku..

kwadernong tatsulok at 6:12 AM

3comments

Monday, November 14, 2005

Assignment ulet...



etu ang rules ng TAG na toh... galeng to kay "J" (
http://halohaloespesyal.blogspot.com)

Inaanyayahan ko ang bawat papasahan ko nito na maglathala ukol dito sa larawan sabihin ang nasa loob ng hanggang 50 salita walang lalampas pwedeng patula,pwedeng isang kasabihan,pwedeng patawa,pwede lahat pwera ang murahan....pag lumampas bahala ka...heto

ang aking nakita sa larawan

"manok na biktima ng abortion..." (labo noh? e manok naman ang itlog eh.. wehehe)

ipapasa ku tong tag kay... Cocoy, lica, kulangot kyle at malaya...

kwadernong tatsulok at 6:19 PM

2comments

Wednesday, November 09, 2005

Coming soon...



walang magawa ang inyong lingkod......
kaya nangulit lamang.

_____________________________________________

sakit ng katawan ko... tas puyat.. 7 days kase kami walang pasok sa office (ewan, kase tapos na ang rammadan eh...) kaya imbis na tumambay at manuod ng DVD maghapon, tinawagan aku ng kaibigan ni ermats. Mag part time daw aku sa "sherraton hotel".. Kaya takbu kagad ang inyong bida. Mejo mahirap nga lang ang trabaho, may mideast medical seminar kase. Kaya nagset-up kami ng mga upuan, tables at sound system, Sayang din kase 100 riyals per day din yun( 1,400 peso). Kaso kahapon nasobrahan ata aku sa pagod, nagpa-double shift ba naman ako.. kala ko madali lang... Nag-umpisa aku ng 11 ng tanghali hanggang 8 ng gabi tas nag-in ulit ako ng 8 to 4 ng madaling araw. Ayus!! solve ang katawan ko sa pagud at puyat! pag-uwe ku tinawag agad aku ng kama.. sabi ni nanay, pagod ka no?? ganyan talaga... kung gusto mong kumayod at makaipon, dumiskarte ka ng part time.. honga eh, kayod lang talaga.. tas ipon.

bukas ulet...

tas nextweek...

pagod at hapo....

pero may future...
_______________________________________________

pauwi aku galing ng trabaho...
naamoy ku yung bagong tabas na bermuda sa may corniche...
tas narinig ku yung mga kuliglig..
namiss ku bigla ang pinas...
how sad naman...

kwadernong tatsulok at 8:32 PM

4comments


walang-future-sa-pader blog studio....
powered by an Intel Desktop pc with the following specs:

-Intel Pentium 2.33 GHz
-512 MB RAM
-80 GB HDD
-Sony Cybershot DSC-P32 digital camera (128mb SD card)

kwadernong tatsulok at 8:03 PM

1comments

Saturday, November 05, 2005

natapus na ang holy month ng ramadan...

balek na sa dati ang takbu ng buhay ng mga tau dito.

pero aku?? parang hindi pa... matagal pa..

sobrang tagal pa..

kwadernong tatsulok at 11:07 AM

2comments

mabuti na lang nakabili aku ng Mantra Album ng Agaw Agimat bagu aku umales.. Astig kase lahat ng entry.. Pag la akung magawa either etu o yung PAN ( ni dong abay) ang soundtripping kuh... Naalala ku tuloy nung first year hayskul ku, una kong nakita si QT sa isang battle of the bands na sinalihan namen.. Astig talaga. Nakapaa lang tas naka sleeve-less. At least sa ngayun alam naten na may mga banda pa den na tumutugtog hindi dahil sa pera kundi para sa tao.

ika nga eh..... "Serve the People.."

mabuhay ang mga katulad nila at iba pang mga musikero't artista ng bayan.

______________________________________________________

Tuparin natin ang banta ng ating panahon

Produced by Artists for the Removal of Gloria (ARREST Gloria)

Lyrics: Alex Remollino (Kilometer 64) Music: Bobby Balingit (vocalist and lead guitarist, The Wuds) Vocals: Lourd de Veyra (vocalist, Radioactive Sago Project) Sound mix: Southern Tagalog Exposure (Southern Tagalog Exposure and Kilometer 64 are member organizations of the ARREST Gloria alliance, while Bobby Balingit and Lourd de Veyra are individual members)

gustu mu bang pakinggan?? click mu toh....

kwadernong tatsulok at 10:02 AM

0comments

Thursday, November 03, 2005

ayus anu po?? nakakatuwa, pero yan ang katotohanan....

kwadernong tatsulok at 3:43 PM

0comments

okey na si cake...
nakahinga na aku ng maluwag...
we've expecting a healthy baby next month.
thanx sa mga nagdasal..
godbless senyo...

kwadernong tatsulok at 2:20 PM

2comments

<